| | MIKEEmikeeMIKEE ( |
bakit?
O Gad, again, may mali na naman sakin. Yung ibang tao parang aral na aral sila for perio pero ako parang wala, chill chill. Ang mali. Pero last year parang "fack, perio. I need to study study!!!" Ngayon parang study parin pero hindi study study. Bulok-est ang study habits ko. :\ Ang weird. What time is it? 7:00? I haven't studied a single subject. Kahapon naman math lang inaral ko tas umalis pa ako. Parang hindi ko nafefeel ang perio week. Hindi ako nahehectic. Bakit ganun? Nakakatakot kasi parang sa sobrang chillax ko at mellow ay magsilampalampa naman yung grades ko. Baka bukas wala ako masagut. Pani pa naman yun. Last year ang waterloo ko ay pani and algeb. Tapos na yung algeb kanina kaya lang hindi ako confident kung pasado ako dun. Weird. Parang minsan mas comfortable talaga pag feel na feel mo na nahehectic ka at worried na worried ka kasi at least mas confident ka kahit papano sa sagot mo. Nakakatakot kasi kapag mellow lang sa times na ganito e. Parang pag nagpeperio or long test tas medyo maaga aga ka natapos, nakakaworry tuloy na makikita mo na konti palang kayo na tapos pero habang yung iba parang hindi pa tapos. Tapos kahit chineck mo na yung paper mo, sure ka na nasagutan mo na lahat. Tapos kapag nacheck na nung teacher yung paper mo at nabalik na sa iyo parang sakto lang yung grade mo pero hindi mataas. Habang yung mga matagal sumagot sila yung may mataas kasi talagang pinag isipin nila yung perio. KAYA LANG DIBA MINSAN KASI TAKOT AKO MAGCHECK NG PAPEL NA ALAM KO NA MALI-MALI YUNG MGA SAGOT KO O KAYA NAMAN AY TALAGANG TANGA AKO DUN SA SUBJECT NA YUN KASI KAHIT ANONG PIGA KO SA UTAK KO ALAM KO NA WALANG LALABAS. YUNG TIPONG AYAW KO NA MAG-ISIP KASI WALA DIN SAYSAY YUNG EFFORT KASI HINDI MO NAMAN TALAGA ALAM.Ayun lang naman. Gusto ko lang ibahagi ang aking nararamdaman sa ngayon. Onga pala alam niyo yung feeling na parang bored ka at alam mo na kailangan mo gumawa ng isang importante na bagay pero tinatamad ka kaya ayaw mo gawin yung importante na bagay kaya mas pinili mo maging bored? Ganun ganun ang nararamdaman ko. Alam kong dapat ako mag-aral pero mas pinili kong tumanga sa harap ng computer dahil bored ako.
Deleted comment
August 12 2005, 00:50:15 UTC 6 years ago